Monday, April 6, 2009

...panu ba malalaman ?



Tanong na hanggang ngayon walang maliwanag na sagot...
panu nga ba malalaman? panu? naitanong ko na ito sa halos lahat ng nakakasalamuha ko, ngunit kahit sila'y walang maliwanag na sagot... kukuha ng libro na kahit ito'y walang sagot na hatid kundi kalituhan...
labing siyam na taon na akong nagtatanong,
subalit magpasahanggang nagyo'y wala pa rin akong nakuhang sagot sa tanong na ito...
lumilipas ang panahon ngunit ang tanong ay ganun parin
walang pagbabago. kalituhan lamang and dulot sa karamihan sa atin...
debate ng debate ngunit wala namang katuturan
walang tinutunguhang maganda kundi mas lalo pa ngang nililito ang karamihan...
Anu nga ba ang sagot? panu ba malalaman?
hanggang doon na lang ba ang kaya ninyo? puro naman iyon kamalian, (bakit ko nasabi?) sapagkat kahit kayo mismo
iisa ang pinagkukunan ng sagot
ay di nga kayo nagkakaintindihan at nagiging argumento pa ang isang simpleng tanong ..
ngunit salamat na lang at nakakita ako ng mas riyalistiko, at lohikal na sagot
sa pamamagitan ng
agham o siyensya...
ngunit iilan lang ang sumasangayon dito, bakit kaya? dahil ba
di sila komportable sa mga sagot na nakikita nila dito?
o dahil 'di nila kayang tanggapin ang katotohanan
sa kabila ng mga aral ng kanilang puno... datapwa't ibig nilang pag-isahin ang
eksplinasyon ng agham at kanilang turo ay di nila kaya.
bakit? dahil ang agham ay base sa lohikal na pagiisip at riyalidad, mga bagay na naoobserbahan. samantalang
ang kanilang turo ay base lamang sa pananalig sa kanilang lumikha na kathang isip lamang.
ako bilang kapanalig sa kawalan ay minumungkahi na sana'y lahat tayo lalung lalo na
ang ligaw sa katotohanan... mag-isip at magsuri sa tunay na sagot sa katanungang
Panu ba malalaman?
Hanggang sa muli..
♥♥♥


No comments:

Post a Comment